Hi! I'm Jeka!
This is my page. I'll share my thoughts. I'll share my breaks. I'll share whatever things I would like to share. A simple girl who loves to eat, read, write and take photos.
read more »

Clickables

My Online Shop



Sponsors/Ads






Contact me:

For collaborations, job offers, suggestions and other inquiries, e-mail me jekadelarosa@gmail.com

Naramdaman nyo naba yung feeling na may isang taong lagi kang kausap at yung mga karanasan nyo sa buhay eh halos parehong pareho? Ilang buwan nadin ang nakakaraan nung hinayaan ko ang sarili kong kilalanin ka.

Ibang klase. Hindi ko din naman ineexpect na magiging close tayo ng ganito. Alam nyo yung set up na nililigawan ka nya pero sayo chill lang. The best lang yung feeling. Hindi ko nga din alam kung san mo hinuhugot yung pasensya at mga moves mong kahit papano eh kinikilig ako.

Hindi naman talaga ako natatakot magmahal ulit dahil iniwan ako ni Josh. Natatakot akong mag invest nanaman ng isang relasyon pero sa bandang huli eh wala namang pupuntahan. Sa totoo lang natatakot akong maiwan. Natatakot akong maging Masaya ulit at sa bandang huli eh halos madurog na. Alam ko napaka unfair ko sayo dahil ikaw hindi ka sumusuko sakin to think na iniwan ka din ng GF mo dati. Mas malala pa nga pero hindi ko din kasi alam. Mas nag eenjoy ako sa kilig moment alam ko naman kasi na pag may “label” na tayo eh mawawala yung kilig moments. Bahala na. Basta Masaya ako nandyan ka.



 Comments
Mar. 24.2014 // 5 notes


Love yourself more…

Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundo ngayon ko lang minahal ang sarili ko ng ganito. Dati rati, mas minamahal ko pa ang ibang tao kesa sa sarili ko. Takot akong mag isa.. Gusto ko nandyan lang siya. Gusto ko lagi ko siyang kasama.

Pero isang araw nagising nalang ako na kaya ko palang mag isa. Pag iniisip ko nakakatawa na nakakaawa pala ako noon kasi masyado akong sumandal sa isang tao kaya nung nawala siya nagkada tumba tumba ko.

Ang dami pinarealized sakin ni Lord. Ibang klase yung binigay niya sa akin. To the point na kahit ako hindi ko nakilala ang sarili ko pero bumangon ako ng MAG ISA. Muntanga nga. Wala na sigurong mas gagago pa sa mag isa kang natumba at mag isa ka ding babangon. Ang hirap mag emo pag ganun kasi sarili mo lang kayakap mo pero na enjoy ko yung pain. Ibang klase yung pagbangon ko, tipong oa na ako sa pagmamahal ko sa sarili ko. Nag travel akong mag isa, nanood ng sine mag isa, namasyal sa lugar na hindi ko alam na ako lang mag isa.

Ngayon masyado akong masaya kasama ang sarili ko. Weird pero ang saya pala mag isa. Noong kasama kita may moment lang ako na solo moment pero ngayon easy peesy na ang lahat. Mas lalo pa nga akong di sanay ngayon pag may kasama ako.

Ang sarap mabuhay. Excited ako sa mga bagay o pangyayari na ibibigay ni Lord :)



 Comments
Jan. 25.2014 // 6 notes


Dear You,

Masyado ko siyang naaalala sayo at ang nakakatawa okay lang yun sayo. Minsan nakakatuwa si Lord eh, binibigyan nya ako agad ng palaisipan. Kung tama ba ito o mali. Kung okay ba to.

Alam mo yung hindi naman talaga ako naghanap pero dumating ka. Alam mo yung kahit anong layo ko sayo lumalapit ka.

Alam mo yung hindi ko ma explain pero natutuwa din ako na nandyan ka at pag wala ka nakakahiya man pero hinahanap hanap kita.

Nakakainis na ewan yung feeling pero masyado akong pinaglalaruan ng tadhana. Kailangang maging matalino.

 



 Comments
Oct. 19.2013 // 6 notes


Update

Ilang months din akong nawala sa blogging world. Bakit? May mga problemang dumating at nag inarte talaga ako sa buhay. Life crisis, yes.

Nung nagresign ako sa World News at walang work after parang nalungkot ako parang feeling ko wala akong kwenta. Ilang weeks palang na wala akong work, nag iinarte na ako.

June 15 ako nag resign sa World News July 13 naman ako nag start sa Guevarra’s. Maraming dumating sa buhay ko at may nawala din. Ang dami daming nangyari na para akong mababaliw sa pinag daanan ko but I’m happy nalagpasan ko ang lahat ng yon.

Nawala ang isa sa mga taong mahalaga sa buhay ko. Halos hindi ko makaya. Nangayayat ako ng sobra. Nahirapan akong maka usad dahil sanay ako nandyan siya pero sa paglipas ng mga araw at buwan naging okay ako kasi everything is happen for a reason nga diba? Kahit na sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dahilan. Para akong tanga na hinahanap ang sagot pero talagang hindi ko makita.

Ang dami kong natutunan, ang dami kong nakilala.

Sobrang thankful ako kay Lord dahil pinagaling nya ako akala ko kasi talaga hindi ko kakayanin yung pagsubok na yun.

Kaya kayo pag may mabigay kayong pinag dadaanan, daanan nyo lang, huwag nyong tambayan.



 Comments
Oct. 15.2013 // 16 notes


Iskeyri. 


Totoo to eh. Totoong totoo. Naranasan ko to sa ex ko, e.
Sad, but true. for some reason somewhere along the course of a relationship something changes & someone stops trying. Sometimes we don’t even realize it & when we finally do it’s too late.
Hindi lang naman kasi tao ang napapagod, yung nararamdaman din. Kahit hindi mo naman sinasadya o ginugusto, yan na yung nangyayari. O minsan, biglang ganyan nalang. Nakakatakot.
Kikiligin ka, excited, kikiligin, excited, mapapagod, kikiligin, mag aaway, magbabati, magsasawa. May mga ganyan akong pakiramdam, sino bang wala? Madali lang naman mainlove talaga. Lalo na ang mga babae, marurupok tayo e.  Madali tayong mainlove, pakipot lang. Yun na nga, madali tayong mainlove pero for me staying inlove is really hard.
Dadating at dadating kayo sa point na wala na kayong mapag usapan, wala na kayong mapag awayan kaya kahit maliliit na bagay, issue na sa inyo.
Iskeyri ng very light. Ayoko kami dumating sa point na ganito.

Iskeyri.

Totoo to eh. Totoong totoo. Naranasan ko to sa ex ko, e.

Sad, but true. for some reason somewhere along the course of a relationship something changes & someone stops trying. Sometimes we don’t even realize it & when we finally do it’s too late.

Hindi lang naman kasi tao ang napapagod, yung nararamdaman din. Kahit hindi mo naman sinasadya o ginugusto, yan na yung nangyayari. O minsan, biglang ganyan nalang. Nakakatakot.

Kikiligin ka, excited, kikiligin, excited, mapapagod, kikiligin, mag aaway, magbabati, magsasawa. May mga ganyan akong pakiramdam, sino bang wala? Madali lang naman mainlove talaga. Lalo na ang mga babae, marurupok tayo e.  Madali tayong mainlove, pakipot lang. Yun na nga, madali tayong mainlove pero for me staying inlove is really hard.

Dadating at dadating kayo sa point na wala na kayong mapag usapan, wala na kayong mapag awayan kaya kahit maliliit na bagay, issue na sa inyo.

Iskeyri ng very light. Ayoko kami dumating sa point na ganito.



 Comments
Jun. 07.2013 // 22 notes


2 weeks to go

June 1, 2013; Happy 32nd birthday, World News!

14 more days at iiwan na kita, Ito na yung huling pagcecelebrate ko ng company anniversary. Mixed emotions but I know everything will be okay. I’m not afraid na hindi agad makahanap ng work because I have business and ipon. I’m praying lang na maging okay ang lahat ng plans ko. Pray for me too, yes?

I will travel muna para naman may bakasyon kahit papano. Medyo ramdam ko na yung lungkot kasi 2 weeks nalang. World News is my home since 2009, madami akong natutunan, kinainisan, kinasaya at marami pang iba sa upuan na to. Naka 3 lipat ako ng upuan dito kaya talaga namang napaka unforgettable ng life ko dito. Dito ko unang naranasang ma stress sa work, mabwisit sa client, mapromote not once but twice. Mamimiss ko din yung mga naging memories ko dito and of course my clients.

I will miss everything here but yun nga I know everything will be super okay sa bandang huli, Life goes on. God is amazing and hindi nya ako papabayaan. Kapit lang at konting hintay, Jeka. Ibibigay na ni Lord yung matagal mo ng pinagdadasal, malapit na nararamdaman ko.



 Comments
Jun. 01.2013 // 7 notes


Thanks God

Since Tuesday, naghihirap na ako sa ubo’t sipon ko. I have job interview ng Thursday and bilang may ubo’t sipon nga (nakakahiya namang magpainterview ng ngongo ako at pumuputok putok ang ubo ko) so, kinausap ko yung HR ng pag iinterviewhan ko nagpaparesked ako na kung pwede next week nalang kasi nga, not feeling well.

Wednesday, nakakahiya na yung ubo’t sipon ko. As in, pumuputok putok siya and kulang nalang lagyan ko ng tissue yung ilong ko kasi tumutulo talaga. Malas.

Thursday na! Interview day! Ayan na, nagising ako ng madaling araw dahil nag aalboroto ang tiyan ko. LBM pare. Sobrang hinang hina ako, habang nasa CR ako umuubo ubo pa ako na parang ikamamatay ko na dahil hirap na hirap talaga ako. 4:00am to 5:30am yata ako nagsasuffer na pawis na pawis ako na inuubo na ewan. Sobrang hassle sa muscle mga teh. Nakakaloka. Ayoko ng pumunta sa interview kasi disaster pero nagdasal talaga ako na maging okay man lang ako kahit half day man lang, patapusin lang yung interview :/ 

Hanggang sa nakatulog ako. Makati yung interview ko, San Juan pa ako nakatira, 6:30am ako nagising ulit. Teh, okay na ako. As in okay na ako. Parang milagro na nawala yung ubo ko at biglang waley ng LBM.

Grabe, nakakaiyak lang si Lord. Nakakatuwa yung answered prayer agad agad. Ang bongga eh, okay naman yung interview. Napalaban ako sa englishan e, pero sobrang okay yung pakiramdam ko. Nasagot ko lahat at walang pagputok na naganap. Bongga ni Lord noh?



 Comments
May. 31.2013 // 10 notes


1 2 3 4 5 Next →
Blogroll
Tumblr Fair
Giveaways


Be a follower of the week

Email me your info, tumblr url and picture at jekadelarosa@gmail.com
disclaimer

All photos, quotes, and videos are mine unless otherwise stated. Do not steal them, or use them without my permission. Thank you very much!

Photoblogs - Top Blogs Philippines
Online Users

© 2012 Cloudmaker ☮   Blog designed by Belle Monte.   Powered by Tumblr.